Poems for Benjamin Agusan

Lav Diaz

English translations by Paula Maria Diaz, with Bayani de Leon


Poems from Kagadanan sa Banwaan ning mga Engkanto (Death in the Land of Encantos)

Alimuom

Dagli ang pagbuhos at dagli ang pagtila

Dagli ang pagdating at dagli ang paglayo

Alimuom na sumibol sa pangako ng umaga

Nawala bago magtanghaling tapat sa labis na paninibugho

Sa mga anghel ng mundo at ng langit at ng purgatoryo at ng demonyo

Ginalugad mo ang kahabaan ng ilog ng mga tatsulok na di mabuo-buo

Sa kamalayang hindi mapakali sa mga agos at alon at likong nagbabago-bago

Sisa ka ng disyerto at Tasyo kang namimilosopo sa unibersong nagsisinto-sinto

Sa mga lima-singkong kaisipang pinamana at ibinuhos ng luma at kontemporaryong panahon.

Paslit ka pa nang narating nila ang buwan

Bata ka pa nang may tumubong bundok sa lawa ng bayan

Nakikita mo araw-araw ang langit at lupa, ang langit at impiyerno

Walang nang sulok ang mundo, walang nang masusulingan ang tao

Lulubog-lilitaw at sanlaksang alingawngaw

May dugo sa bintana ng dalagang nawala

Inaabot ang bituin sa tuktok ng mangga

Paslit ka pa nang mahulog ang bisita

Bata ka pa nang may pinagpapatay sila

May awit na mahiwaga, nagpipilit sa alaala

May naaaninag kang mukha, dating pag-aalala

Ang dating putikan ay ginawa nang kalsada

Minaso ang bundok at ginawang graba

Saka inilibing nila ang mahal mong kababata.

Tumutol ka man ay umuugod ka na

Nalagas na ang iyong lakas, nawala na ang sigla

Ang hawak mong panahon ay isa na lamang hawla

Lipas na ang sarsuela, wala nang natutuwa

Pilit mong pinalalaya ang itinatagong sumpa

Sa daungan ng mga isda, doon ka tumutula

Naroon ang metapora, naroon ang hiwaga

Sa himlayan ng mga sugapa, doon ka kumakanta

Kasayaw mo ang baylarena, hawak mo ang baywang niya

Sa laot ng gabi kapag papauuwi ka na

Bumubulong ang hangin, nakatingin ang mga bituin

Kumakaway ang kahoy, may kung anong panaghoy

Tumitigil ang daloy, daan ay hindi matukoy

Titigil ka sa tabi, iihi sandali

Init ay kakawala, salimuot mula sa lupa

Huhugot ka ng buntunghininga

Wala na talaga

Alam mong ika'y nagkasala

Alam mong nabibilang na ang araw mo sa lupa.

Walang dakila

Walang bayani

Walang kriminal

Walang santo

Walang kawawa

Walang himala

Walang timawa

Walang mariwasa

Walang kaluluwa

Walang alaala

Wala nang alaala

Wala

Walang kumakawala.

Gumagapang ka sa dagat ng mga alaala na ayaw lumaya sa piitan ng iyong pag-iisa.

Ibinabalik ka sa mga hiningang humulagpos sa sinapupunan pa man

Inihahatid ka sa hardin na naluoy bago pa man yumabong

Iniluluklok ka sa panahong nagtaglagas bago nagtagsibol

Inihihimlay ka sa mundo ng sigwa, unibersong hindi mapayapa

Wala

Wala nang papawi sa pait ng iyong bawat paglingon

Wala nang paparam sa lalim ng lungkot ng bawat imaheng dumadapo sa iyong balintataw.

***

Relenting as suddenly as it pours

Departing as suddenly as it arrives

Rancid air burgeoning from morning's promise

Dispersed before noon out of keen jealousy

At the angels of earth and heaven and purgatory and the devil

You roamed the far-reaching river of triangles unable to complete themselves

In a consciousness made restless by torrents and waves and ever shifting curves

You're Sisa of the desert and Tasyo spinning philosophy in a universe playing half-wit

To five-cent minds bequeathed and poured over by eras old and new

You were a tyke when they reached the moon

You were a kid when a mountain grew from the town lake

Daily you see land and sky, heaven and hell

No corner left in the world, no haven for everyone

A hundred thousand echoes will sink and rise

Behold the blood on the window of a vanished maiden

Angling for the star atop a mango tree

You were a tyke when the chapel fell

You were a kid when murders proliferated

A mysterious song persists in memory

A face from the past being glimpsed

A once muddy place turned into a street

The mountain pounded and crushed into gravel

Before burying your childhood friend

You protested in vain, but you're hobbled

Your strength sapped, your vigor lost

Time in your hands is merely a cage

Zarzuela out of vogue, amusing no one

You seek to release the hidden curse

You recite poetry down the shoals where the fishes are

Alas a metaphor, alas a mystery

You sing in the abode of addicts

You dance with a ballerina, grasping her by the waist

On your way home in the deep of night

The wind whispers, the stars look down

The branches shake, some wailing in the air

The currents cease, the road not discernible

You will stop by the wayside and piss momentarily

And heat will be released, swirl upward from the soil

You will heave a sigh

Nothing is left

You know you have sinned

You know your days on earth are numbered

No one's honorable

No one a hero

No one a criminal

No one a saint

No one miserable

No miracle

No one poor

No one rich

No soul

No memory

No more

No more memory

None

No escape

You grovel in the ocean of memories refusing to flee from the prison

of your solitude

Returning you to breaths that expire while in the womb

Ferrying you to a garden that withers before it blooms

Placing you in a season that becomes autumn before springtime

Laying you down in a world of tempests, a universe that cannot be pacified

None

None can assuage the bitterness of your every turn

None can take away the profound grief of every saintly image that falls on

the center of your eye.

Bahay ng Rosas

May haplit ng pagyuko ng mga puno ng taglagas

Sa tudla ng aking tingin sa kalawakan ng langit

Kumirot sa aking tadyang ang paghulagpos ng buto

Hudyat ng pagsisimula ng mga oyayi't dalit

Aawit tayo sa gabing yakap ka ng niyebeng kristal

Kahimanawaring lambungan ng himig ang iyong hapis

Hahagkan ko ang pisngi mong sa kalauna'y lalamig

Naghahanda na ako sa panahon ng pananangis.

Magtatanim ako ng sanlaksang rosas, at parang ng rosas

Puro rosas at pawang mapupulang rosas lamang sa lahat nang sulok at dako

At namumulang rosas lamang sa lahat nang panahon ng ating panahon

Ng ating paghahanda, paghihintay, at pag-aasam

Sa pagdating ng mga paru-paro

Sa pag-ani ng mga bubuyog

Sa paghapon ng mga gagamba

Sa pagdalaw ng mga ibon

Sa pagsulyap ng mga nagdaraan

Sa pagdatal ng iyong kamatayan.

House of Roses

There is a muffled blow when the autumn trees bow

At my viewpoint of the vastness of heavens

My ribs felt the twinge of writhing bones

Forewarning to the start of lullabies and love songs

We shall sing on the night when ice crystals embrace thee

Hoping that the melody may veil thy grief

I shall kiss the cheeks that at once turn icy

Already preparing for the season of lamenting

I shall plant thousand of roses, and fields of roses

Pure roses and seemingly red roses solely on every corner and space

And reddening roses only for all seasons of our seasons

To our preparation, anticipation, and expectation

Of the arrival of butterflies,

the harvest of the bees

the nightly retirement of spiders,

the pilgrimage of birds,

a glimpse of passers-by

and the advent of thy death.

In memoriam

Magdamag sa kawalan

Binasa ko na lahat nang aklat at tula

Hinalukay ang mga litrato

Niyakap lahat nang unan

Kinantot ko ang nagkakalyo kong kamay

Isinuot lahat nang salamin—baka may makita ako

Hinipan ang silindro—baka may marinig ako

Tinipa ang gitara—baka may makapa ako

At waring narinig ko ang tinig mo

Mula sa pantiyon ng mga lumayo

Mula sa sementeryo ng mga naglaho

At kinukutya mo ako sa iyong pagtalikod

At tumawa ka at nakitawa sa mga katulad mong mahina

At walang mga paa

May ilog ng lason sa iniwan mong higaan natin

Naroon pa rin ang mga pating na lumapa sa aking kalanguan

Hinihigop ako ng kumunoy sa bawat dantay ng aking likod

Sa mga tinik ng iyong pakikipaglaro sa aking pagpipikitmata

At pagbubulag-bulagan

Sa sahig nakatihaya ang mga sinsilyo at barya

Ng iba't ibang bayang aking narating

Nagniniig tayo sa piling nila tuwing ako'y dumarating

Mainit at maalab ang pagitan ng iyong mga hita

Habang nakalublob ako sa pangungulila at pagwawalang-bahala

Lumulusong ako at paulit-ulit tayo

Winawasak ang bawat isa sa bawat hampas at paglabas

Minamahal ang bawat isa

Hindi mahal ang bawat isa

Bukas ang bintana at sarado ang pintuan

Patay ang ilaw at walang hanging pumapasok sa ating kapusukan

Masarap maglumunoy sa mundo ng kamunduhan

Habang ginigisa tayo sa pag-alpas ng aking tamod at ng iyong tubig

Papahiran kita ng mantika at ibebedyo na nakabukaka

Magmamakaawa ka sa pagbukas ng langit at lupa

Umiiyak ka sa pagsabog ng lahat-lahat mo

Magpapasalamat ka sa pagbuhos ng lahat-lahat mo

Babayo at babayo ako patungo sa kaibuturan mo

Aapuhap ang aking mga kamay sa kung saan-saan mo

May mga daliri ng alupihan at tanikala ng alimango

Sa bawat salungatan ng ating ungol at hiyawan at pagsusumamo

Binubuwal natin ang mga pader at bantayog ng uniberso

Ng panahon nating sa isang iglap ay magiging siphayo.

Pakakasal tayo sa bawat Marso Uno, Mayo Uno at Hunyo Uno

At sa harap ng malalayang puno at malayang mundo

Mag-iisang-dibdib tayo sa harap ng palayang naghihintay

(sa hunyangong ermitanyo)

Ng mga himig ng maya at pag-ibig

Hawak-kamay tayong haharap sa bundok at bulkan at hihingi

Ng tubig ng pag-ibig

Ng dalit ng pag-ibig

Tatahimik ang lungsod at lansangan sa ating mga tawag

Malulunod sa karagatan ang mga ilog ng ating dugo

Isang pangarap ang nawala sa buhos ng unos

Sa dagan at dagundong ng mga batong dumausdos

Umalimpuyo ang kalangitan sa katanghalian

At tumakas ang pag-asa sa ating mga palad

Umapaw ang baha sa luha ng binubuo nating aklat

Ni hindi ako nakapagpaalam sa isang pangako

Di ko na rin nakita ang nakatago mong anino
Napakalawak ng iniwan mong diskurso
Sa aking katinuan at katalinuhan ng mundo

Naging mangmang ang mga insekto at henyo

Ng tinatawag nilang sikolohiya ng pag-ibig at emosyon ng babae.

Nasaan si Sigmund Freud sa pag-apaw ng panaginip at kalibugan mo?

Gayung gumugol din ako ng panahon sa pilosopiya at siyensya?

Ayokong hawakang muli muna ang nasa pagitan ng aking mga hita

Habang natitiis ko pa ang sakunang inabot ng ating mundo

Habang nababata ko pa ang sakunang dinaranas ng bayan ko

Hindi ko na yata kailangan sina Socrates at HesuKristo

Sa panahon ng pagsasakripisyong ganito

Wala nang pretensyoso at gago sa panahong nagsasalpukan ang galit at lungkot

Wala nang loko-loko at tarantado sa panahong inililibing nang buhay ang mundo

Wala nang bobo at matalino sa panahong naglalaho na ang bayan ko

Wala nang santo at salamangkero sa pakikipagtalo ko kay Satanas

Putang-ina nilang lahat na nagkumpromiso ng sining ko!

Mga hayup silang lahat na nagkanulo sa sining ko!

Aahon si Tasyo sa anumang hampas ng bato sa kanyang bungo!

At sa wakas ay nabago ang anyo ng kuwarto

May mga bagong aklat at kuwaderno

May bagong gitara at bagong silindro

Punit-punit na ang mga litrato

At itinapon ko sa basura ng ating kahangalan

Siyam na metal ang itinali sa dibdib ng Adan

May inihahandang pelikula sa gitna ng sangandaan

May pagbabago, may mga bagong tao, may mga bagong tatao

May mga bagong mukha

May mga bagong likha

May bagong musa

May bagong pinto

May bagong kuwarto

May bagong lalaruin ang hintuturo

May bagong pagitan na papasukin ko

May bagong diskurso

May bagong alimpuyo

May bagong pag-ibig at panibugho.

Nagpadala ako ng sulat sa isang kaibigan

Sinabi kong hindi ako darating sa usapan

`Patawad' sabi ko

Hindi ko pa matanggap ang kalungkutan ko

Pinipilit ko pang tanggaping sa pagkawala niyang ito

Ay hindi ko na siya hahanaping muli.

In memoriam

All night long in emptiness

I've read all the books and poems

Dug up the pictures

Cuddled all the pillows

Screwed my own calloused hands

Worn all the spectacles that I might see something

Blown on my harmonica that I might hear something

Plucked my guitar that I might touch something

And it seemed I heard your voice

From the graveyard of those who have fled

From the burial ground of those who have vanished

And you were mocking me as you turned back

And you laughed and snickered with weaklings like you

And those without feet

There's a river of venom on our bed that you abandoned

Where the sharks that consumed my stupor still lie

Where a quicksand will suck me in every time my back rests

On the thorns of your wagering over the shutting of my eyes

And my playing blind

Change and coins are scattered all over the floor

Of many countries I've been to

We rendezvous with them every time I come

The insides of your thighs will be burning hot

While I'm steeped in loneliness and indifference

I will be treading downward and we will keep doing this

Destroying each other at every thrust and release

Loving each other

Not loving each other

The window is open and the door is locked

The light is off and no air drifts into our passion

How sweet to wade in the world of carnality

While we get stewed in the rush of my semen and your juice

I will rub oil on you and angle your legs apart

You will beg at the opening of heaven and earth

Weep over the explosion of all in you

You will wax grateful for the outflow of all in you

I will pound and pound going into your depths

Grope around in all of you

There will be centipede fingers and crab chains

In every clashing of our moans and screaming and pleading

We are tearing down the walls and monuments of the universe

Of our time that will melt abruptly into disillusion

We will wed on every first day of March, May, and June

And before the unbound trees and the liberated world

We will join in marriage before rice fields waiting

(for hermit chameleons)

For the songs of the sparrow and love

With clasped hands we will face toward the mountain and volcano and will ask

For the water of your love

For the psalm of your love

The city and its streets will fall silent at our behest

The rivers of our blood will plunge into the ocean

One dream lost in the torrential storm

And in the heaviness and rumbling of the sliding stones

At midday whirlwinds rage in the heavens

And hope loosens from our hold

A flood of tears overflows across the books that we are making

I have not even bidden farewell to a promise

Nor have I glimpsed your hidden shadow

You have left behind a vast discourse

On my sanity and the Earth's intelligence

Grown witless are insects and masters

Of what they call psychology of love and female emotion

Where's Sigmund Freud during the brimming of your dream and lust?

Although I've also spent time in philosophy and science

I'm not inclined to probe the hollows of my thighs

As long as I can endure the terrible fate that has befallen our world

As long as I can bear the misfortune that's burdening my country

It seems I don't need Socrates and Jesus Christ

In this time of sacrifice

No more pretenders and morons when anger and grief collide

No more lunatics and rascals when the world is being buried alive

No more half-wits and smartasses when my country is fading

No more saints and magi in my altercations with Satan

To hell with them all who have cheapened my art!

All of them animals who have betrayed my art!

Tasyo shall rise with every rock that raps his skull!

And at last the look of the room has changed

There are new books and notebooks

There are new guitars and harmonicas

Pictures torn into pieces

That I tossed into the bin of our insanity

Adam had nine metals stitched to his ribs

A movie is being filmed by the crossroads

There are changes, new people, new characters.

New faces

New creations

New muse

New door

New room

New hobby for index fingers

New alleys that I can enter

New discourse

New vortex

New love and jealousy

I sent a letter to a friend

Where I said I won't make it to our appointment

`Forgive me' I implored

I haven't come to grips with my sorrow

Still forcing myself to deal with her absence

And I've no desire to find her again.

Paalam (Haiku)

Balot ang lungsod

Ng puting alapaap

Malayong musa.

Haplos ng ambon

Anino mong nagdaan

Naaaninag.

Hampas ng ulan

Lihim na kalungkutan

Pananambitan.

Taghoy sa gabi

Dahon kang naglalayag

Sa panaginip.

Rosas sa pader

Gumagapang na lungsod

Nangungulila.

Patlang sa buwan

Nakaguhit mong anyo

Sa kalawakan.

Dalit ng hangin

Pangamba ng taglamig

Isang paglisan.

Gintong panahon

Hiram na kapalaran

Pamamaalam.

Paalam.

Farewell (Haiku)

The city wrapped

In immaculate clouds

Muse from afar.

Soothed by a drizzle

Your fleeting shadow

Now discerned.

Pelting of rain

Sorrow concealed

A plaint.

Lament in the night

You're a leaf cruising

On a dream.

Rose on a wall

City supine in its gait

Feeling alone.

A gap on the moon

Your semblance inscribed

On the vastness above.

Ushered by the wind

Fear of cold's grip

A turning away.

Golden season

Borrowed fate

Bidding farewell.

Farewell.

Sampung Istasyon Patungong Impiyerno

Ang marubdob niyang pag-iipon ng mga butil sa garapon noon

Upang mapunan lamang ang paglayo ng kanyang amang at inang

Gaya nang namumuong siphayo sa kanyang puso ngayon

Isang pagtatangka na maaari pa niyang baguhin ang kanyang anyo

Subalit ang buntot niya'y patuloy na tumutubo

At nagkakabalahibo ang sungay niya

At tumatalas sa bawat baghigpit ng pulupot ng ahas

Sa kanyang katinuang gago

Hindi na siya makakabalik sa batuhang dalampasigan

Malayo na ang mundo ng kanyang kamusmusan

Inuuod na ang uniberso ng mga ninunong nalimutan

Bilog na ang mga tao sa lahat nang bakuran

Wala nang ulo ang mga asong nauulol sa kanilang kalanguan

Lunod ang sementeryong paglilibingan ng buong bayan.

Ten Stations to Hell

The heartfelt gathering of grains in a jar back then

Solely to replace the departure of his father and mother

Like the gloom that is now forming in his heart

An attempt that he might still be able to change his form

However, his tail continues to grow

His fur emerges

His horns become sharper the tighter the snake squeezes its coil

On his deranged vision

He can never return to the rocky seaside

The land of his innocence is now far away

Maggots reign the universe of forefathers long forgotten

Every person has become round behind every fence

Mad dogs have lost theirs heads in their drunkenness

The cemetery where the whole country will be buried is already drowning.

Notes:

Tasyo is the philosopher character in Philippine hero Jose Rizal's novel Noli Me Tangere

Sisa is the mad woman/mother in Noli Me Tangere

Alimuom is the heat that comes off the ground after a rainfall.